Sunday, May 11, 2008

Bakit mas masarap magsulat kapag. . .

Bakit nga ba mas masarap magsulat kapag LASING, BANGAG o kaya naman PUYAT? Hindi ba dapat mas mahirapan kang mag-sulat dahil wala ka sa katinuan? Dahil walang normal na pumapasok sa isip mo?

Aking napag-tanto na mas mainam ngang mag-sulat kapag ikaw ay nasa ganitong kalagayan sapagkat kung anu-anong ka-weirduhan ang pumapasok sa iyong isipan. Dahil wala ka nang pakialam sa sasabihin sa'yo ng iba dahil meron ka namang maida-dahilan. At dahil sa mga lumalabas sa iyong mga sulat at dala lamang ng sobrang kabagutan sa mundo.

Katulad ko, habang sinusulat ko ito ay puyat na puyat na ako. Hindi ko malaman kung bakit hindi ako makatulog. Pero ito ang mga tanong na dumadaloy ngayon sa isip ko.

1. Paano kaya kung hindi na-imbento ang pera?
Hindi ba't parang mas magiging maganda ang mundo kapag walang pera? Isipin niyo. Kung walang pera, walang mag-hihirap. Lahat ng tao magiging masaya sapagkat magagawa nila ang mga bagay na gusto nilang gawin. Mas magiging simple ang pamumuhay. Magiging libre lahat ng bagay sa mundo. Walang magiging gahaman.

Sagot:
Oo nga at walang maghihirap kapag walang pera. Pero ang tanong naman doon ay, "Paano naman uunlad ang tao kapag walang pera?" Hindi ba? Wala nang mag-iimbento ng mga kung anu-anong kaek-ekan sa mundo kapag walang pera dahil wala namang mapapala kung gawin nila ito o hindi.

2. Bakit kaya hindi pareho ang halaga ng piso at dolyar?
Hindi ba't pareho lamang silang papel? Bakit mag-kaiba ang halaga?

Sagot:
Pareho nga silang papel pero iba naman ang nilalaman. Ang ibig kong sabihin ay iba ang sangkap. Hahaha. Ano un? Pagkain?

Hindi ko na ilalathala ung iba sapagkat sobrang pagka-weirdo na ang mga iyon. Puro tungkol sa pera, politika at kung anu-ano pang nangyayari sa bansa ang napapag-isipan ko. Hindi ko naman malaman kung bakit ganun ang mga naiisip ko ngayon.

Pero kung susumahin, halos lahat ng mga magagaling na manunulat ay wala sa tamang pag-iisip o wisyo kapag sinusulat nila ang kani-kanilang mga obra maestra. Pero hindi natin maipagkakaila na minsan, mas matitino pang mga bagay ang pumapasok sa isip natin kapag wala tayo sa katinuan. Katulad ko. Kaya lang, pulos kalokohan pa rin ang pumapasok sa isip ko nasa katinuan man o hindi.

Hindi ko alam kung maiintindihan niyo itong koreo kong ito. Dahil kahit ako mismo ay hindi ko maintindihan ang mga isinusulat ko. Nilalagay ko lamang ang lahat ng bagay na pumapasok sa isip ko. Nasa paksa man ito o hindi. Bahala na kayo! Basta ang masasabi ko. . .

WALA NA AKO SA KATINUAN! PUYAT NA PUYAT NA AKO!

5 comments:

Fjordan Allego said...

hahaha.. ganun talaga kapag wala ka sa katinuan, napakaraming mga bagay na pumapasok sa isip mo.. tingin ko, tinatawag lang nating 'wala sa katinuan' yung mga sandaling iyon dahil hindi naman kasi sila parte ng routine natin araw-araw. Hindi sila bahagi ng nakaschedule nating gawain kaya kung bigla tayong mapapaisip sa gitna ng pagpapahinga at hindi na nga makatulog, doon na pumapasok yung mga realkizations natin, mga katanungang wala na sa katinuan,..

http://hiraya.co.nr

napunding alitaptap... said...

isaaaaaaaaaaaaaw buddddddyyyyyyyyyyyy!!

huhu, misnakita...soooobra!

o well, ahaha, hanaku, isip talaga ng tao. . .

pero, nakakatuwa ang binasa kong ito.

Rendezvous said...

Ok ah! napa-isip ako dun? Sabagay lahat ng tanong may sagot depende sa logic ng tao yan. Minsan naman talaga mas ok ang sumulat kapag ala u sa normal na katinuan. he!he! Siguro may kinalamn dito ang ating pituitary glands( so much for that diko kayang explain yun).

ilyxiv said...

haii..tama!!

nka2baliw!!

ZsaZsa said...

okay lang din siguro kahit walang pera, pwede naman mag-barter. pero mahirap din mag-barter, lalo na pag inisip mo kung anong dapat mong i-trade para magkaron ng Porsche?

ilang kilong bigas ang ibibigay mo kapalit ang isang DSLR? ilang kambing ang kakatayin mo kapalit ng isang nintendi WII?

mabuti na lang naimbento ang pera. kawawa naman kasi ang mga kambing.

what? i dunno.

--Tisay