Dahil sa hindi malamang kadahilanan, napag-isipan ko naman na gumawa ng tagalog na koreo dito sa aking mumunting lugar.
Wala lang. Naisip ko lang. Nakaka-inggit kasi ung mga taong tagalog ang kanilang mga nailathala sa kanilang sari-sariling lugar. Akala niyo kayo lang ang marunong mag-tagalog? Ako din! Marunong din naman ako kahit papano.
Isang linggo na lamang at sasapit na ang aking kaarawan. Pero sa hindi malamang kadahilanan, parang, ayaw ko itong dumating. Ayaw kong sumapit ang aking kaarawan. Ang gulo no? Sarili kong kaarawan, ayaw kong dumating. "Bakit kaya?" Ito ang tanong na bumubulabog sa aking isipan.
Naaalala ko ang mensahe sakin ni Marion(isang kaibigan) na bakit daw siya, kahit walang plano sa kanyang kaarawan ay gustung-gusto na niyang dumating ito. "Bakit nga ba?" Natanong ko nanaman sa sarili ko.
Siguro dahil din ito sa mga naranasan ko noong iba ko pang kaarawan. Kadalasan kasi, pag sumasapit ang aking araw ay nasa bahay lamang ako at nag-iisa. Oo, nag-iisa, sapagkat ang aking pamilya ay umaalis nang bahay kapag kaarawan ko. Astig di'ba? Kaarawan ko pero sila ang nagsa-saya.
Sa totoo lang, simula nang ako'y magka-isip, ay wala na akong maalalang masayang alaala sa aking kaarawan. Siguro noong isang taon na ang pinaka-masaya kong kaarawan na naaalala. Ito ay sa kadahilanang, kahit papaano ay sinorpresa ako ng aking mga kapamilya sa YFC habang kami ay nagpa-plano para sa Youth Camp noong taon na iyon. Pero bukod doon, wala na ata. Wala na akong kaarawan na naging masaya. Hay, tama ba namang mag-EMO ako ngayong malapit na ang kaarawan ko.
Isa pa din sigurong kadahilanan ay dahil hindi pa sigurado ang taong gusto kong makasama sa aking kaarawan. Tinanong niya ako kani-kanina lamang. "Pano kung di ako payagan?" Paano nga kaya? Ano kayang mangyayari sa akin? Ano kaya ang gagawin ko? Ewan! Hindi ko alam! Bahala na si Batman kung anong mangyayari. Ipag-darasal ko nalamang na payagan siya para maging masaya naman ang araw ko.
Binabati ko nga pala ng maligayang bati si Marion Janine Azurin. Kaarawan na niya bukas.
Binabati ko din ng maligayang unang buwan sina Jhek at Khreez ngayong ika-14 ng Abril taong 2008.
Monday, April 14, 2008
Nalalapit na Kaarawan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


4 comments:
advanced happy birthday! hope okei sa olrayt ang bday mo....
- kuia ji il
ako naman tuwing birthday ko pinapasama nila* loob ko...=(
*iba't ibang tao
Advanced Haburdei sayo mahal kong anak!! aymiss ur warm and sweet hug! God bless! muah! muah! muah!
nakikibasa at napacomment!
happy bday po!
ako, ayaw ko magbday!amf!
Happy Birthday EMAN!
Happy Birthday to you!
Happy Birthday to you!
Happy Birthday Happy Birthday...
Happy Birthday to you!
Post a Comment